PAGADIAN CITY – Isang trabahador ang nasawi at dalawang kasamahan ang naospital nang sumabog ang isang tangke ng ammonia sa planta ng yelo ng isang fishing company sa Pagadian City, Zamboanga del Sur, nitong Sabado ng gabi.

AMMONIA LEAK download (17)

Ito ang kinumpirma ni Provincial Police Regional Office-9 Director Brig. Gen. Emmanuel Luis Licup at kinilala ang nasawi na si Jelmar Montesa Bulay, 19, trabahador ng nasabing planta, at taga-Purok 6, Bgy. Bubuan, Bayog ng nabanggit na lalawigan.

Isinugod naman sa Aisah Hospital sa San Pedro City ang dalawa pang trabahador na sina Brinton Wasawas, 29, binata, machine operator, ng Cebu City, at Alberto Singedas, 60, may-asawa, ng Purok Lower Lumboy, Tuburan District, nang himatayin ang mga ito matapos mahilo sa makaraang makalanghap ng kemikal.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya kautgnay ng insidente.

-Nonoy E. Lacson