Nasa P17.5 milyon halaga ng ari-arian ang natupok sa isang warehouse Sta. Quiteria, Caloocan City, nitong Biyernes ng gabi.
Ayon kay Supt. Stephen Requina, city fire marshal, isa ang nagtamo ng sugat sa kaliwang paa habang isa naman ay nahirapan huminga.
Sa inisyal na imbestigasyon, sumiklab ang apoy sa Hahsy Industries, Inc. at umabot sa unang alarma sa ganap na 7:40 ng gabi, bago itinaas sa ikalimang alarma, dakong 8:04 ng gabi.
Idineklara ng Caloocan City Bureau of Fire Protection na fireout pagsapit ng 12:05 ng madaling araw ngayong Sabado, ngunit kinailangan bumalik ng mga bumbero sa pinangyarihan ng hanggang umaga upang ipagpatuloy ang mop-up operation.
Nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil puno ng plastic ang pabrika, base sa ulat.
Nasa 60 fire personnel ang rumesponde sa insidente.
Walang iniulat na nasawi, habang patuloy na tinutukoy ang sanhi ng sunog.
Joseph Almer B. Pedrajas