Nagpapagaling sa pagamutan sa Bacolod City ang isang lalaki, na pinutol ang sarili niyang ari, dahil sa pagkakaroon niya ng UTI.

Ang biktima ay 41-anyos na crane operator, na kasalukuyang nagpapagaling sa isang regional hospital sa Bacolod.

Napaulat na pinagsisisihan ngayon ng lalaki ang kanyang ginawa.

Ayon sa report ng Bacolod City Police Office (BCPO), narinig ng mga kasamahan sa trabaho ng biktima ang biglang pagpalahaw nito sa Barangay Mansilingan, nitong Huwebes ng gabi.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Hangos nilang pinuntahan ang katrabaho at isinalaysay nila sa pulisya na nakita umano nilang hawak-hawak ng biktima ang ari nito, at pumupulandit pa ang dugo mula sa naputol na bahagi.

Mabilis namang isinugod sa ospital ang biktima, bagamat hindi nabanggit sa ulat kung naikabit ang ari nito.

Fer Taboy