Arestado ang isang sidecar boy sa umano’y panghahalay sa kanyang anak-anakan sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Rosito Mensorado, alyas Dinong, 45, stepfather ng walong taong gulang na biktima.

Sa imbestigasyon ni PO1 April Balicag, ng Manila Police District-Raxabago Police Station (PS-1), inaresto ang suspek sa kanilang tahanan sa Building 17 Unit 4, Aroma Street, Tondo, bandang 4:00 ng hapon nitong Biyernes.

Una rito, napansin umano ng ina ng biktima na may dugo ang panty ng anak at nang tanungin ang biktima ay natuklasan na habang nanonood siya ng telebisyon ay ipinasok umano ng suspek sa ari ng biktima ang daliri nito sa kamay at paa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dito na rin natuklasan ng ina ng biktima na mahigit isang taon nang minomolestiya ng kinakasama ang kanyang anak.

Sinasabing sinasamantala ng suspek ang pagtitinda ng misis, dalawang beses sa isang linggo, at ginagawa ang panghahalay.

Agad na inireklamo ng ginang ang suspek at ipinaaresto.

Nahaharap ang suspek sa rape in relation to RA 7610 (Anti-Child Abuse Law).

Mary Ann Santiago