Opisyal nang pumasok kahapon sa bansa ang summer o tag-init.
Ito ang inanunsyo kahapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Dahil dito, binalaan ng ahensya ang publiko sa inaasahang mas matindi pang init ng panahon sa darating na mga araw
Katwiran ng PAGASA, tuluyan nang nalusaw ang cold northeast monsoon sa bansa.
"With this development, the day-to-day weather across the country will gradually become warmer, though isolated thunderstorms are also likely to occur," ayon sa PAGASA.
Ipinaliwanag pa ng ahensya na mas napaaga ang pagdedeklara nila ng panahon ng tag-init, hindi katulad ng nakaraang taon na idineklara nila ito noong Abril 10.
-Alexandria Dennise San Juan