Pinagbibitiw ni Ozamis City Police Office director, Supt. Jovie Espenido ang mga pulitikong nasa narco-list na isinapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte, kamakailan.

NARCO-LIST download (13)

Ito ang naging reaksyon ni Espenido matapos na maungkat sa ipinalabas na listahan ang ilang pangalang nakalagay noon sa kanyang ‘bluebook’ na tinukoy ng napatay na tinaguriang druglord na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Wala aniyang dapat na itanggi ng mga isinasangkot sa iligal na droga dahil na-validate na ang nasabing listahan.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Naniniwala rin si Espenido na walang pulitika sa pagsasapubliko ng pangulo sa naturang listahan.

Kaugnay nito, nanawagan din si Espenido sa mga kandidatong napabilang sa narco-list na mas mabuting umurong na lamang ang mga ito sa kani-kanilang kandidatura sa darating na May 13 midterm elections.

-Fer Taboy