Para sa mga fresh graduates na naghahanap ng trabaho, o sa mga professionals na nais ng ibang pagkakakitaan, nasa Google na ang Job Search, na nag-aalok ng may kalahating milyong trabaho.
Sa mga trabahong alok sa Google Search, makakahanap ang mga job seekers ng mga bakanteng trabaho na tugma sa kanilang personal na pangarap, goals, at skill sets, gamit ang ilang keywords.
Ito ay may hatid na mahigit kalahating milyong listahan ng mga bakanteng trabaho mula sa iba’t ibang industriya at job listing platforms, direkta sa Google search.
Ang pagse-search ng trabaho sa Google ay maglalabas ng resulta mula sa partner websites, kabilang ang Department of Labor and Employment, Kalibrr, Jobayan Jobs Cloud, at Civil Service Commission.
Maaaring i-customize ng mga users ang kanilang paghahanap ng trabaho sa pamamagitan ng pagpi-filter ng resulta sa criteria gaya ng posisyon, industriya, lokasyon, petsa, at klase ng kumpanya.
Maaari ring makita ng mga aplikante ang karagdagang impormasyon sa na-search na trabaho sa pamamagitan ng pag-click sa search result o sa link na magdadala sa kanila sa page ng mismong kumpanya.
Maaari ring makatanggap ng notifications para sa mga job openings.
Ang job search feature ay available sa desktop browsers at Google search app sa Android at iOS devices.
-Erma R. Edera at Mina Navarro