MGA kabataan sa bulubunduking bahagi ng Ifugao ang mabibigyan ng pagkakataon na mabigyan nang sapat na kaalaman sa sports sa gaganaping Jr. NBA Philippines Regional Selection Camp sa Benguet State University sa Marso 23-24.

MASIGASIG ang mga batang babae na nakiisa sa Jr. NBA Camp sa Cavite kamakailan. Lalarga ang pamosong event sa Benguet ngayong weekend.

MASIGASIG ang mga batang babae na nakiisa sa Jr. NBA Camp sa Cavite kamakailan. Lalarga ang pamosong event sa Benguet ngayong weekend.

Pangungunahan nina NBA Carlos Barroca at PBA Legend Jeffrey Caraiaso ang Jr. NBA coaches na magbibigay ng basketball fundamentals kahalagahan ng core values sa mga batang kalahok na may edad 10-14.

Mararanasan ng mga kalahok ang world-class basketball instruction sa dalawang araw na event na magssimula ganap na 7L00 ng umaga ng Sabado (Marso 23). Dadaan sa serye ng traning ang mga kalahok para matutunan ang tamang dribbling, passing, shooting, lay-ups at footwork. Ang mga mangungunang players ay mabibigyan ng pagkakataon na mapasama sa team exercises at exhibition game sa Linggo kung saan pipiliin ang kakatawan sa North Luzon para sa Jr. NBA Philippines National Training Camp sa Mayo 17-19 sa Don Bosco Technical Institute Makati.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Ang mga atleta na mapipili sa Benguet Regional Selection Camp ay mapapasama sa top 40 boys at 40 girls mula sa Regional Selection Camps sa Lucena (March 9-10), Dumaguete (March 30-31), Butuan (April 13-14), Metro Manila (April 27-28), at Alaska Power Camp.

Sa National Selection, pipili ng Jr. NBA Philippines All-Stars— binuibuo ng limang lalaki at limang babae – para isamsa sa Jr. NBA Global Championship Asia Pacific Selection Camp sa Hunyo.

Mula dito, pipili ng 10 lalaki at 10 babae para katawanin ang Asia Pacific sa second Jr. NBA Global Championship sa Aug. 6-11 sa ESPN Wide World of Sports Complex sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.

Tampok sa international event ang mga napiling players mula sa United States, Canada, Latin America, Europe, the Middle East, China, Mexico, Africa, India at Asia-Pacific.

Sa mga interesadong lumahok, magpatala via online sa www.jrnba.asia/philippines, www.nba.com, NBA Facebook at Twitter, gayundin sa www.alaskamilk.com.