Apatnapu’t limang alkalde sa bansa ang nahaharap sa kasong administratibo sa Office of the Ombudsman, sa pagkabigong sumunod sa utos ng Department of Interior and Local Government na bumuo ng kani-kanilang Anti-Illegal Drugs Abuse Council.

MAYORS

Nagsampa ng kaso kamakailan ang DILG laban sa 25 non-complying mayors, na nadagdag sa unang batch na 20 alkalde, at inihain ang kaso nitong Marso 14, kaya sa kabuuan ay 45 mayor na ang inasunto sa paglabag sa Section 60 ng RA 7160 na Misconduct of Office and Dereliction of Duty.

Sa 45 alkalde, 15 ang mula sa Bicol Region, partikular sa Albay, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, at Sorsogon. Pito ang mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), partikular sa Basilan, Tawi-Tawi, at Lanao Del Sur provinces.

Eleksyon

Sara for President? VP Sara, inalis OVP seal sa kampanya; biro niya, palitan daw ng OP seal

Lima ang mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), partikular sa Abra at Ifugao, habang limang alkalde ang mula sa Mimaropa sa Palawan.

Kabilang din sa reklamo ang apat na alkalde sa Central Visayas mula sa Cebu.

Sa CARAGA, tatlong alkalde mula sa Agusan Del Norte ang kabilang sa kinasuhan.

Sinabi rin ni DILG Secretary Eduardo M. Año na, "there are also three in Calabarzon, precisely in Laguna and Quezon provinces".

"Moreover, there are two from Cagayan Valley – one in Cagayan province and one in Nueva Vizcaya. There is also one in Eastern Visayas, from Eastern Samar province," dagdag niya.

-Chito A. Chavez