NAISALBA ng St. Clare College-Virtual Reality ang paghahabol ng Batangas-EAC Generals para maiposted ang 80-73 panalo nitong Lunes at makisosyo sa liderato ng Aspirants Group ng 2019 PBA D-League sa Paco Arena sa Manila.

Nailista ng St. Clare ang ikatlong sunod na panalo para makatabla ang University of Santo Tomas Growling Tigers sa unahan ng team standings.

“Nireremind ko lang yung players ko every practice to just give their best. Lalabas yung pinaghirapan natin,” pahayag ni coach Jinino Manansala.

Nanguna si Junjie Hallare sa St. Clare sa naiskor na 18 puntos at 15 rebounds, kasunod sina Irvin Palencia na may 14 puntos at Joshua Fontanilla na may 14 markers, limang assists, apat na rebounds at apat na steals.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

“Expected ko naman dahil itong mga batang ‘to, ‘pag lumalamang ng malaki, nagrerelax. Pero sabi ko lang sa kanila na ‘wag tayong ma-rattle,”ayon kay Manansala.

Nanguna si Marvin Taywan sa Batangas-EAC (1-3) na may 18 puntos.

Sa isa pang laro, nanaig ang Petron-Letran kontra McDavid, 89-64.

Hataw si Jeo Ambohot sa Knights sa naiskor na 17 puntos at walong rebounds, habang kumana si Jerrick Balanza ng 12 puntos, apat na assists, at dalawang steals.

Iskor:

(Unang Laro)

St. Clare (80) -- Hallare 18, Palencia 15, Fontanilla 14, Pare 9, Ambuludto 7, Lunor 5, Rivera 3, Fuentes 3, Santos 3, Rubio 2, De Leon 1.

Batangas-EAC (73) -- Taywan 18, E. Mendoza 16, Dela Pena 13, Maguliano 9, Robin 5, Martin 4, Derige 2, Corilla 2, Cadua 2, Carlos 2, Estacio 0, J. Mendoza 0, Oppong 0, Boffa 0, Amogues 0.

Quarters: 18-14, 34-27, 59-44, 80-73.

(Ikalawang Laro)

Petron-Letran (89) - Ambohot 17, Balanza 12, Muyang 12, Sangalang 8, Taladua 8, Pasaol 8, Mina 6, Reyson 5, Balagasay 4, Caralipio 4, Olivario 2, Ular 2, Pambid 2.

McDavid (64) - Caranguian 15, Sorela 9, Menor 9, Diputado 8, Colina 6, Martinez 5, Escosio 4, Monte 3, Melano 3, Lozada 2.

Quarterscores: 16-12, 44-29, 60-54, 89-64.