Natodas ang isang pastor nang pagbabarilin sa gitna ng prayer meeting sa loob ng simbahan sa General Santos City, nitong Martes ng gabi.

PASTOR download (10)

Ang biktima ay kinilala ni Chief Insp. Ananias Vasquez, hepe ng General Santos City Police, na si Francis Nadar,40, isa ring negosyante at taga-Manatad, Polomolok, South Cotabato.

Sa paunang report, ang insidente ay naganap sa Zone 2, Purok San Roque, Barangay Labangal, dakong 6:00 ng gabi.

Sinabi ni Vasquez, kasama ni Nadar ang asawa nito nang maganap ang krimen.

Misis ni Mike Defensor, nadawit sa subpoena ng NBI

Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang dalawang suspek, sakay ng motorsiklo.

Idinagdag pa ni Vasquez, iniimbestigahan pa nila ang kaso upang matukoy ang mga suspek at ang motibo sa krimen.

-Fer Taboy