KAPAG nagkataon, patung-patong ang kasong kakaharapin ng isang kilalang personalidad, dahil marami na pala itong inatraso.

Akala namin ay sa mga ka-business deal lang niya sa mga construction at restaurant business niya may inagrabyado ang personalidad, pero marami pa palang iba. Naulinigan naming sangkot din daw siya sa isang networking noon pa.

“Kapag hindi niya inayos lahat ng kaso niya, kulungan talaga bagsak niya,” sabi sa amin ng aming source.

“Pati pala sa BIR (Bureau of Internal Revenue) may isyu siya, hindi siya nagbabayad ng tamang buwis. Nasilip na ito ngayon, kaya lagot siya,” dagdag pang sabi.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Susme, kaganda ng career at pangalan niya sa business at showbiz sectors, dahil may mga koneksiyon siya, pero sinisira niya ang sarili niya? An’yare?

Anyway, baka kaya malakas ang loob niya ay dahil mapera ang pumapadrino sa kanya? Ang tanong, hanggang kailan at ano ang kapalit?

-REGGEE BONOAN