Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

8:00 n.u. -- Adamson vs NU (m)

10:00 n.u. -- FEU vs Ateneo(m)

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

2:00 n.h. -- UE vs NU (w)

4:00 n.h. -- Ateneo vs UST (w)

MAITULOY ang naitala nilang winning run sa pagtatapos ng first round ang kapwa tatangkain ng namumunong Ateneo de Manila at University of Santo Tomas sa women’s division sa pagbubukas ng second round ng UAAP Season 81 Volleyball Tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Itataya ng Lady Eagles ang nasimulang 6-game winning run matapos mabigo sa unang laro nila sa opening day, habang tatangkaing dugtungan ng Tigresses ang naiposteng tatlong sunod na tagumpay sa pagtatapos ng first round.

Magtutuos ang kasalukuyang solong lider Lady Eagles ( 6-1) at ang pumapangalawang Tigresses (5-2) sa tampok na laro ngayong 4:00 na hapon pagkatapos ng unang laban sa pagitan ng University the East at National University ganap na 2:00 ng hapon.

Mauuna rito, magsisimula din ang second round ng men’s division ganap na 8:00 ng umaga sa tapatan ng Adamson (4-3) at reigning champion NU(6-1) na susundan ng salpukan ng namumuno at wala pang talong Far Eastern University(7-0) at Ateneo(4-3) ganap na 10:00 ng umaga.

Umaasa si Ateneo coach Oliver Almadro na makakapagpakita sila ng higit pang effort na ipinamalas nila noong unang round.

“First round was really tough for us. We learned a lot, but the second is going to be tougher. It will not be easy. We have to put more effort and sacrifices,” ani Almadro.

“Hopefully, the positivity will manifest into the second round,” aniya.

-Marivic Awitan