SAN ANTONIO (AP) — Nagbalik laro si Kevin Durant, ngunit hindi sapat ang kanyang presensiya para biguin ang Spurs sa kanilang home court.

Hataw si DeMar DeRozan sa naiskor na 26 puntos at siyam na rebounds, habang kumana si LaMarcus Aldridge ng 23 puntos at 13 rebounds para sandigan ang San Antonio Spurs sa 111-105 panalo kontra Golden State Warriors nitong Lunes (Martes sa Manila).

Nakopo ng San Antonio ang ika-11 sunod na panalo para makausad sa No.5 sa Western Conference (42-29) matapos mataloa ang Oklahoma City sa Miami.

Nanguna si Stephen Curry sa Warriors na may 25 puntos, habang kumana si Durant ng 24 puntos sa Golden State, naglaro tangana ng 2-0 winning stgreak sa road. Kasosyo nila ang Denver sa No.1 sa West sa parehong 47-22 karta.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Tumpos si Klay Thompson fna may 14 puntos.

NUGGETS 114, CELTICS 105

Sa Boston, bumalikwas ang Denver Nuggets, sa pangunguna ni Nikola Jokic na may 21 puntos at 13 rebounds, sa fourth quarter para gapiin ang Boston Celtics.

Nag-ambag si Will Barton ng 20 puntos sa Nuggets, nakasiguro ng playoff spot sa unang pagkakataon mula noong 2012-13 season. Naitala nila ang ikaapat na sunod na panalo.

Nanguna si Kyrie Irving sa Celtics na may 30 puntos, habang kumana si Al Horford ng 20 puntos, anim na rebounds at anim na assists.

Sinimulan ng Nuggets ang four-game road trip na isang laro lang ang agawat sa nangungunang Golden State sa Western standings. Tangan naman ng Celtics ang No.5 sa East.

HEAT 116, THUNDER 107

Sa Oklahoma City, sinamantala ng Miami Heat, sa pangunguna nina Goran Dragic na may 26 puntos at 11 assists at Dwyane Wade na may 25 puntos, ang suspensyon ni Russell Westbrook para gapiin ang Thunder.

Nag-ambag si Kelly Olynyk ng 18 puntis at siyam na rebounds para sa Miami, kasalukuyang No. 8 sa East.

Nanguna si Paul George sa Thunder na may 31 puntos at siyam na rebounds, habang umiskor si Jerami Grant ng 27 puntos at 10 rebounds.

Hindi naglaro si Westbrook bunsod ng suspensyon nang mapatawan ng ika-16 technical foul sa kabiguan laban sa Golden State nitong Sabado.

Sa iba pang resulta, pinulbos ng Utah Jazz, sa pangunguna nina Rudy Gobert na may 14 puntos at 14 rebounds at Donovan Mitchell na may 19 puntos, ang Washington Wizards, 116-95; naungusan ng New Orleans Pelicans ang Dallas Mavericks, 129-125, sa overtime; tinalo ng Toronto Raptors ang New York Knicks, 128-92; ginapi ng Cleveland and Detroit, 126-119.