Bangkay na nang matagpuan ang isang estudyante sa flagpole ng pinapasukan nitong paaralan sa Barangay Tumpagon, Cagayan de Oro City, iniulat ngayong Martes.

POLE_ONLINE

Sa report ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO), kinilala ang biktima na si Carleo Kenny Joy Mangconsay, 22, Grade 10.

Si Mangconsay ay sinasabing may pagtingin sa kanyang guro.

National

Oil price hike, asahan ngayong Abril 29

Sa pagsisiyasat ni PO3 Francis Marianas, ng Lumbia Police Station, una nang nagpahiwatig ang biktima sa mga kaklase nito na magpapakamatay.

Tinanong pa umano ng biktima kung ano ang magiging reaksiyon ng kanilang guro.

Makalipas ang ilang sandali, nakitang nakabitin ang bangkay ng biktima sa flagpole.

Walang foul play sa insidente, ayon sa awtoridad.

-Fer Taboy