Halos 6,000 trabaho ang inialok sa mga aplikanteng nakibahagi ngayong Martes sa first leg ng dalawang-araw na Manila Bulletin job fair, sa ground floor ng Farmer’s Plaza Mall sa Cubao, Quezon City.

APPLY NA! Dagsa ang aplikante sa Manila Bulletin Classifieds Ads 2019 sa ground floor ng Farmer’s Plaza sa Cubao, Quezon City. (KEVIN TRISTAN ESPIRITU)

APPLY NA! Dagsa ang aplikante sa Manila Bulletin Classifieds Ads 2019 sa ground floor ng Farmer’s Plaza sa Cubao, Quezon City. (KEVIN TRISTAN ESPIRITU)

Nag-aalok ang “Classifieds Job Fair 2019” ng mga trabaho mula sa 15 iba’t ibang industriya sa media, sales, engineering at BPO.

Isa sa pumunta at nagbakasakali si Mary Rose Sarvida. Aniya, nais niyang pumunta sa mga job fair dahil maraming kumpanya at oportunidad ang maaaring pagpilian.

Eleksyon

Bong Go, nanguna sa senatorial survey ng SWS

Samantala, para naman sa mga employers, tulad ng Manulife, mas maayos na paraan ang on-site application kumpara sa online, dahil mas nakikilala nila ang mga aplikante at nakukuha nila ang atensiyon ng mas maraming participants.

“We, as recruiters, are looking for commitment. When you apply in a job fair, that means you have the intention to apply,” pahayag ni Justine Belarde, Manulife’s Talent and Acquisition associate.

Simula 2010, taun-taong nagdaraos ang Manila Bulletin ng job fairs na nagbibigay ng oportunidad sa mga fresh graduates at iba pang job seekers.

Magbubukas ng 10:00 ng umaga at matatapos ng 7:00 ng gabi, hanggang bukas, Marso 20, na lang ang Classifieds Job Fair 2019 sa Farmer’s Plaza.

-Joseph Almer Pedrajas