Anim na illegal drug personalities, kabilang ang mga estudyante at isang high school teacher, ang naaresto sa buy-bust operation sa Calbayog City, nitong Lunes.

TEACHER_ONLINE

Kinilala ni Supt. Joie Yape, Jr., Calbayog PNP chief, ang mga suspek na  sina Rolando Aclado, Jr., 20, Grade 7 student; tatay niyang si Rolando Aclado, Sr., 47; Teofilo Jason Aclado, 35, high school teacher; Luisito Luazon, 21, Grade 10 student; Alberto Emporado, 23, Grade 10 student; Junjun Daraman, 19; at ang nakatakas na si Marlon Moriles, nasa hustong gulang.

Sa inisyal na impormasyon, nahuli ang mga suspek na gumagamit ng umano’y shabu sa bahay ni Aclado sa Barangay Dagum.

Eleksyon

'Walang Imee, Camille?' DuterTEN, Honasan, Querubin ineendorso ni FPRRD

Nakuha sa mga suspek ang ilang pakete na naglalaman ng umano’y shabu, cash, at drug paraphernalia.

Nakakulong ang mga inaresto at kakasuhan sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

-Marie Tonette Marticio