Papasok na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isang super typhoon na may international name na "Bavi," ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes, Hulyo 7.
Sa isang advisory ng PAGASA ngayong 11:00 AM, huling namataan ang bagyo sa layong 1,845 kilometers East of Central Luzon sa labas ng PAR.
Taglay nito ang lakas ng hangin malapit sa sentro na 185 kilometers per hour at pagbugsong 230 kilometers per hour.
May kabilisan ang kilos nito na 20 kilometers per hour.
Sa forecast ng weather bureau, gagalaw ang super typhoon pa-west northwestward at papasok ng PAR mamayang gabi o bukas ng madaling araw, Hulyo 8.
Sa oras na pumasok ito ng PAR, papangalanan itong "Inday."
Bagama't hindi inaasahang magla-landfall o tatama sa kalupaan at sa lakas ng hangin na dala nito, magtataas pa rin ng tropical cyclone wind signal ang PAGASA sa northern at eastern portions ng Northern Luzon.
Samantala, nakataas na sa “heightened alert” ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang paghahanda sa posibleng epektong idudulot ng pagpasok ng super typhoon.
Maki-Balita: NDRRMC, naka-heightened alert sa pagpasok ng ST Bavi sa PAR