MAY kabuuang 152 baril ang isinuko ng Samar Police Provincial Office sa Philippine National Police (PNP) regional office at sa Commission on Election (Comelec) bilang bahagi ng safety measures para sa May 13 mid-term elections.

Ang mga baril ay isinuko ng mga kandidato, sibilyan at ilang unipormadong empleyado sa Samar. Pansamantala nila itong ibinigay sa awtoridad para sa safekeeping makaraang mapaso ang mga lisensiya.

Pinangunahan nina PNP-Eastern Visayas Regional Director, Brig. Gen. Dionardo Carlos at Comelec Assistant Regional Director Felicisimo Embalsado at ilang kinatawan mula sa iba’t ibang relihiyon ang Firearm Safekeeping Caravan na ginanap sa Calbayog City nitong Sabado. Saklaw ng caravan ang unang distrito ng lalawigan.

“Now that these firearms are with us, we can be assured that these will never be used in illegal activities,” lahad ni Samar Police Provincial Office director, Col. Dante Novicio.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: May lakas ka dahil kasama mo si Kristo

“We are taking away the possibility that politicians will use these firearms to commit violence,” dagdag pa niya.

Siniguro rin ni Carlos sa mga kandidato at botante na magiging mapayapa at ligtas ang eleksyon. “This measures that the police have been undertaking is to ensure that on Election Day, we will have fewer risk factors.”

Ang highlight ng caravan ay ang paglagda ng mga kandidato para sa mapayapa, totoo at ligtas na eleksyon at ang paglulunsad ng Usapang Simbahan at Pulis (church and police linkages).

Sinabi naman ni Embalsado na ang peace covenant ay dapat na maging paalala para sa mga kandidato na huwag gagamit ng karahasan para mapanatili ang kaayusan ng eleksiyon.

Pinayuhan niya rin ang mga botante na pumili ng mga lider na kayang mamahala at lumikha ng mga polisiyang makatutulong sa pag-usad ng bansa at ng mga Pilipino.

“I hope all of us will help one another because we need it to attain progress in our country,” sinabi ng election official sa mga mamamahayag.

PNA