Asahan na ang pansamantalang pagkawala ng supply ng kuryente sa ilang lugar na sineserbisyuhan ng Meralco, bunsod ng maintenance operation na sinimulang ipatupad kahapon at magtatagal hanggang sa Sabado.

(KJ ROSALES)

(kuha ni KJ ROSALES)

Sa abiso ng Meralco, nabatid na unang maaapektuhan ang ilang lugar sa Pasig City (Ortigas Center) nitong Marso 18 at 19, dahil sa line reconductoring works sa Sapphire Road.

Bukas naman ay may line reconductoring works at upgrading ng mga pasilidad sa Mulawin Street sa Amparo Subdivision sa Tala, Caloocan City, habang maglalagay ng mga pasilidad sa Pook Polaris sa Barangay U. P. Campus, Diliman, Quezon City, ngayong Martes din.

Metro

Humigit-kumulang 500k deboto, dumalo sa prusisyon ng Poong Nazareno ngayong Biyernes Santo

Marso 19 din naka-schedule ang relocation of facilities na apektado ng DPWH CALAX project sa Nuvali Road sa Barangays Loma at Timbao sa Biñan, Laguna, gayundin ang replacement ng mga poste sa Bgy. Limao, Calauan, Laguna at line reconductoring works sa Bgy. San Jose, Antipolo City, Rizal.

Sa Marso 19 at 20 naman ang installation ng facilities sa loob ng Meralco-Botocan substation.

May maintenance works din sa Bgy. Wack Wack Greenhills East, Mandaluyong City, at relocation ng mga pasilidad sa Bgy. San Jose, Rodriguez, Rizal bukas, kasabay ng pagdadagdag ng lightning protection device sa Bgy. Dakila, Malolos City, Bulacan.

May pagawain din sa Bgy. Valencia, Quezon City; at Bgys. Ermitaño at Pasadeña sa San Juan City sa Marso 20-21, at sa Bgy. San Andres, Alaminos, Laguna sa Marso 21.

Mayroon din sa North Avenue sa Bgy. Vasra, Quezon City; Cubao, Quezon City; at Bocaue, Bulacan sa Marso 21 at 22.

May line reconductoring works din sa Bgy. Kapitolyo, Pasig; at pagpapalit ng poste sa Bgy. Mayamot, Antipolo, Rizal sa Marso 23.

-Mary Ann Santiago