Aabot sa P2 milyon halaga ng party drugs ang nasamsam sa condo unit ng isang college student sa Makati City, ngayong Lunes ng umaga.

PARTY-PARTY Ipinalatag ni NCRPO chief Director Guillermo Eleazar ang nasa P2 milyon party drugs na nasamsam ng pulisya sa pagsalakay sa isang condo unit sa Makati ngayong Lunes ng umaga. Dalawang estudyante ang inaresto sa condo. (CZAR DANCEL)

PARTY-PARTY Ipinalatag ni NCRPO chief Director Guillermo Eleazar ang nasa P2 milyon party drugs na nasamsam ng pulisya sa pagsalakay sa isang condo unit sa Makati ngayong Lunes ng umaga. Dalawang estudyante ang inaresto sa condo. (CZAR DANCEL)

Ang occupant ng condo ay ang 24-anyos na si Adriel Ryoichi Suzuki, fourth year Human Resource Management student ng isang unibersidad sa Maynila. Siya ay half Japanese, at kapwa nagtatrabaho sa Tokyo ang mga magulang.

Arestado rin ang isa pang estudyante, si Ralph Jeffrey Esteban, 23, Entrepreneurship student sa parehong unibersidad.

Eleksyon

Camille Villar, hahainan ng show-cause order dahil sa umano’y vote-buying sa Cavite

Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Supt. Guillermo Eleazar na nagsumbong sa kanila ang courier na nag-deliver ng mga ilegal na droga sa mga suspek.

“The driver got suspicious of the package because they do not want to disclose what it contains. After delivering the package, he went to the cops and reported the suspicious package,” ani Eleazar.

Bandang 10:00 ng umaga nang makipag-ugnayan ang pulisya sa pamunuan ng condo at sinalakay ang unit ni Suzuki sa Barangay Pio del Pilar, Makati.

Ayon sa mga pulis, nakakalat lang sa unit ni Suzuki ang mga droga, kaya inaresto nila ito.

Nabatid naman ng mga pulis na magtutungo sa lugar si Esteban upang mag-deliver ng ecstasy kaya hinintay nila ito at inaresto rin.

“We are just selling to our schoolmates. Same circle lang. They contact us and we transact with them,” sabi ni Suzuki sa mga pulis, at sinabing mas marami pang estudyante ang mas big-time kaysa kanya kung magbenta ng droga.

-Jel Santos