Dead on the spot ang isang incumbent barangay chairman at  sugatan naman ang asawa nito nang paulanan ng bala ang mga ito ng riding in-tandem sa Alangalang, Leyte, nitong Linggo ng hapon.

CHAIRMAN download (10)

Ang biktima ay kinilala ng Alangalang Municipal Police na si

The victims were identified as Virgilio Vergara, 62, kapitan ng Bgy. Buri, Alangalang.

National

'Gagawin nating alaala, kasaysayan na lang ang mahal na bigas!'—Romualdez

Isinugod naman sa ospital ang asawa nito—si Corazon Vergara, dahil sa tama ng bala sa kaliwang dibdib.

Naiulat na patungo sana ang mag-asawa sa Bgy. Cogon, sakay ng motorsiklo nang bigla silang pagbabarilin ng riding in-tandem, dakong 5:00 ng hapon.

Hindi na isinugod sa pagamutan ang kapitan dahil binawian na agad ito ng buhay sa pinangyarihan ng pamamaril.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang dalawang suspek, ayon kay Supt. Bella Rentuaya, information officer ng Police Eastern Visayas.

Sinisilip pa ng mga imbestigador ang posibleng motibo sa krimen.

-Marie Tonette Marticio