Binalaan ngayong Linggo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ang publiko sa inaasahang pag-landfall bukas ng bagyong ‘Chedeng’ sa Davao Oriental.

CHEDENG

Ito ay makaraang pumasok na ngayong Linggo sa Philippine area of responsibility (PAR) ang naturang sama ng panahon matapos ang ilang araw na pag-iipon ng lakas sa bisinidad ng bansa.

Nilinaw ng PAGASA, kung hindi bukas ay sa Martes tatama ang bagyo sa naturang lalawigan.

National

Batikang journalist binaril sa loob ng bahay sa Aklan, patay!

Sa weather advisory, tinukoy ng PAGASA na taglay ng bagyo ang lakas ng hanging 45 kilometers per hour (kph) at bugsong hanggang 60 kph.

Ngayong Linggo ng hapon, namataan ito sa layong 980 kilometro sa silangan ng Mindanao.

Sa abiso ng ahensiya, kumikilos pa rin ang bagyo pakanluran sa bilis na 25 kph.

Bukod sa Davao Oriental, makararanas din ng malawakang malakas na pag-ulan sa iba pang bahagi ng Mindanao sa nasabing mga araw.

Inalerto na rin ng PAGASA ang mga residente sa posibleng flashflood at at landslide sa mga tinukoy na lugar.

-Ellalyn De Vera-Ruiz