TUNAY na hindi malilimot ang isang alamat na tulad ni boxing icon Gabriel “Flash” Elorde.

IPINAHAYAG ni Liza Elorde (ikalawa mula sa kanan) ang patuloy na pagsasagawa ng Elorde Awards bilang pagkilala sa galing ng Pinoy fighters, habang nakikinig ang mga anak na sina (mula sa kaliwa) Juan Miguel at Juan Martin, TOPS president Ed Andaya at asawang si Johnny Elorde sa ginanap na TOPS ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa National Press Club.

IPINAHAYAG ni Liza Elorde (ikalawa mula sa kanan) ang patuloy na pagsasagawa ng Elorde Awards bilang pagkilala sa galing ng Pinoy fighters, habang nakikinig ang mga anak na sina (mula sa kaliwa) Juan Miguel at Juan Martin, TOPS president Ed Andaya at asawang si Johnny Elorde sa ginanap na TOPS ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa National Press Club.

At bilang paggunita sa kanyang ika-84 kaarawan, muling isasagawa ng kanyang pamilya, sa pangunguna nang magkabiyak na sina Johnny at Liza Elorde ang pamosong Elorde Memorial Awards: Banquet of Champions sa Marso 25 sa Okada Manila.

Nasa ika-19 na taon na ang programa, ngunit iginiit ni Liza Elorde na ipagpapatuloy nila ito bilang pagbibigay gunita sa namayapang ama at paraan na rin para kilalanin ang mga Pinoy fighters.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

“We are here to celebrate Philippine boxing and honor our late father,” sambit ni Johnny Elorde.

Tatlong pamosong fighters -- Jerwin Ancajas, Michel Dasmarinas at Vic Saludar – pawang karapat-dapat sa bansag na ‘Next Manny Pacquiao’ ang tatanggap ng “Boxers of the Year”.

“This will be another memorable night in boxing. The whole Elorde family is very happy to celebrate and share all the blessings we have in boxing,” pahayag ni Liza Elorde.

“This is our 19th year. This is our family legacy. Mahal namin lahat ang boxing, kahit na nun nawala ang aming ama (Flash Elorde) nun January,1985,” aniya sa kanyang pagbisita sa 14th “Usapang Sports” ng abloid Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros.

Kasama niyang dumalo sa forum ang mga anak na sina Juan Miguel “Migs”Elorde at Juan Martin “Bai” Elorde na pawing sasabak sa boxing card na kaakibat ng selebrasyon.

“Through this award, we want to inspire upcoming boxers to become champions. “We’re honoring champions who made good the previous year. We’re also giving awards to the best promoter, best trainer, best judge, best referee, most promising boxer, best fight and citations to our benefactors and friends who are instrumental in the development of Philippine boxing,” ayon kay Liza Elorde.

-Edwin Rollon