Team Lakay champion, uukit ng kasaysayan sa Brave Combat

HINDI pahuhuli ang Team Lakay kung mixed martial arts ang pag-uusapan.

NAGPAHAYAG ng kahandaan si Stephen Loman ng TeamLakay (kaliwa) para mapanatili ang bantamweight title laban kay Elias Boudegzdameng Bahrain matapos makuha ang tamang timbang sa isinagawang weigh-in Huwebes ng gabi para sa Brave 22: Storm of Warriors Biyernes ng gabi sa MOA Arena.

NAGPAHAYAG ng kahandaan si Stephen Loman ng TeamLakay (kaliwa) para mapanatili ang bantamweight title laban kay Elias Boudegzdameng Bahrain matapos makuha ang tamang timbang sa isinagawang weigh-in Huwebes ng gabi para sa Brave 22: Storm of Warriors Biyernes ng gabi sa MOA Arena.

Sa pinakabagong MMA promotion sa bansa – Brave Combat Federation – isang dugong Ifugao mula sa pamosong Team Lakay ang magbibigay ng kasiyahan at karangal sa bansa sa kanyang pagsabak sa main event ng Brave 22: Storm of Warriors Biyernes ng gabi sa MOA Arena.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Idedepensa ng 26-anyos na si Stephen Loman ang Brave World Bantamweight title laban sa challenger na si Elias ‘The Smiling’ Boudegzdame ng Bahrain sa MMA promotion na pinangangasiwaan ni His Highness Sheikh Khalid bin Hamad Al Khalifa ng Bahrain.

“Salamat po sa mga kababayan ko. Muli humihinge po ako ng suporta ninyo at sa blessings po ni Lord para mapanatili ko ang titulo,” pahayag ni Loman, kabilang sa premyadong fighter ng nangungunang MMA promotion sa Middle East.

“Natutuwa po ako at nakarating sa Pilipinas itong Brave para mapanood ng sambayanan. Dati sa abroad lang kami lumalaban,” sambit ni Loman matapos ang isinagawang weigh-in Huwebes ng gabi sa Resorts World Manila.

Ilalarga ng Brave Combat Federation ang groundbreaking event sa Manila sa hangaring mapalakas ang promosyon sa Asya, higit sa Pilipinas na nagsisimulang maging sentro ng MMA sa rehiyon.

Mismong ang Prinsipe ng Bahrain ang nagpakilala ng sports kay Pangulong Duterte sa kanyang pagbisita sa Malacanang. Tumugon naman ang Pangulo at siniguro ang suporta para sa matragumpay na kaganapan ng sports.

Nakatakda ang groundbreaking event ng nangungunang MMA promotion sa MiddleEast ganap na 6:00 ng gabi sa MOA Arena.

Ang pagsasagawa ng Brave sa bansa ay resulta nang pakikipag-ugnayan ni Mr. Alfonso Ver, Philippine Ambassador sa Bahrain, matapos personal na mapanood ang fight promosyon.

Tampok na duwelo sa promosyon na mapapanodd sa ESPN5 ang laban sa pagitan nina Filipino Bantamweight champion Stephen Loman kontra challenger Elias Boudegzdame.

Tulad ng inaasahan, umani ng papuri mula sa mga kababayan si Loman. Kasama rin niyang magpapakitang-gilas sa harap ng mga Pinoy MMA fans sina Jeremy Pacatiw at karibal na si Marc Alcoba, gayundin ang dayuhan na sina Cian Cowley ng Ireland, New Zealand’s John Brewin at Pakistan’s Mehmosh Raza.

Umaasa naman si Rolando Dy, anak ng dating world boxing champion Rolando Navarette, na masusundan ang promosyon hindi man sa Manila bagkus sa mga lalawigan.

“Maraming may interest sa MMA sa mga probinsiya. Marami ring talent. Kung mabibigyan lang sila ng sapat na training, gagaling ang mga Pinoy,” sambit ni Dy.haharap kontra sa mapanganib na si Mehmosh Raza sa Featherweight bout.

Nangako naman si John Brewin na bibigyan ng magandang laban ang karibal na si Cian Cowley.

“I’m living the dream, two years ago I was here in Manila, cornering one of my good friends and teammate at Bali MMA. I thought “One day I’ll get back here for my own fight”, I never thought it’d be so fast, though. I went from all kinds of temporary jobs to co-headlining a card in Manila. I know a lot of people say that their stories are all about struggle and overcoming but that’s nothing but the truth in my case. I live for fighting, I’m here to put on a show and I’ll fight until my last breath”, pahayag ni Brewin.

-Edwin G. RollonTeam