MAY pintuang nabuksan para sa Pinoy muaythai practitioner sa ilalargang ‘Ultimate Muaythai Challege sa Marso 27 sa Metro Tent ng Metrowalk sa Pasig City.

WBC MUAY! Nilinaw ni promoter Donny Elvina ng Sapaksi, Inc. (ikalawa mula sa kanan) ang ilang isyu hingil sa ilalargang Ultimate Muaythai Challenge (UFC) na sanctioned ng Games and Amusement Board at WBC Muay, habang nakikinig sina (mula sa kaliwa) fighter Fernando Venus, matchmaker Jek Ferrer, TOPS president Ed Andaya, at fighter Socratis Pasaol.

WBC MUAY! Nilinaw ni promoter Donny Elvina ng Sapaksi, Inc. (ikalawa mula sa kanan) ang ilang isyu hingil sa ilalargang Ultimate Muaythai Challenge (UFC) na sanctioned ng Games and Amusement Board at WBC Muay, habang nakikinig sina (mula sa kaliwa) fighter Fernando Venus, matchmaker Jek Ferrer, TOPS president Ed Andaya, at fighter Socratis Pasaol.

Iginiit ni Donny Elvina, general manager ng Sapaksi, Inc.—napili ng World Boxing Council (WBC) Muay – na mag-promote ng pro league sa sports – na mas mabibigyan ng pagkakataon ang Pinoy muaythai practitioner na mapalawak ang kanilang kakayahan at maipakita sa international community ang galing ng Pinoy.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

“Tayong mga Pinoy eh! normal na striker, Walang duda na mahuhusay tayo sa boxing. With technique sa pagsipa, madali rin natin madodomina ang sports. Ang UMC ang pintuan para sa ating mga kababayan na nagnanis maging world champion sa sports,” pahayag ni Elvina sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS).

Kasama niyang bumisita sa lingguhang forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) at NPC si matchmaker Jek Ferrer at mga premyadong muaythai artists na sina super flyweight Fernando Venus at middleweight Socratis Pasaol.

“Aksiyong umaatikabo ang tiyak na masasaksihan sa pagtatapat ng pinakamahuhusay na muaythai fighters sa bansa. With the GAB supervision, we assure the paying public sa patas na laban,” pahayag ni Ferrer.

Sa pangangasiwa ng Games and Amusement Board (GAB) at World Boxing Council (WBC) Muaythai, nakalinya ang 12 duwelo tampok ang labanan sa main event nina Fritz Aldrin Biagtan ng Biagtan Muay Thai at Brent Velasco ng Tribal Torogi para sa featherweight (125 lbs) championship.

Kabuuang 1,000 fighters, officials entertainment personalities ang inaasahang dadagsa sa Metrotent para saksihan ang kauna-unahang professional muay thai fight card sa bansa.

“After a series of meeting, GAB approved and supports the group’s program and activities which was commissioned under the World Boxing Council which aimed to find the best fighters in the country who can  compete for national and international titles,” pahayag ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.

Bukod sa WBC Muaythai National Championship belt, isasagawa rin ang Inter-City 18, below muaythai competition, junior muaythai championship, exhibit at muay boran/taksa demonstration sa programa na inorganisa ng DTC Events &Promos, Inc.

Narito ang iba pang fight cards:

Fernando Venus vs Jervie Kosca Tiongco (superfly, 115 lbs.), Jeremy Bastian vs Pio Rafae Fajardo (middle weight, 155 lbs.), Jason Randa vs Kervin Lampacan (featherweight, 125 lbs.), Brian Salando vs Albert Matayom (super featherweight, 130 lbs.), Rogelio Enuberables vs Nathaniel Caldera (welterweight, 145 lbs.);

Karol Maguinde vs Moises Lois Ilogon (bantamweight, 118 lbs.), Christopher Baluyos vs Adelle Vincent Rosales (15 under mini-flyweight, 90 lbs.) Kateleen Batela Badinas vs Ahsley Jazmine Gavina (15-under mini-flyweight, 90 lbs.), Mario Sismundo vs Jerry Olsim, Krisna Limbaga vs Jonabelle Angyab at Ahmadine Talapas vs Jose Carlo Laurel (exhibition match).

‘May age-group fight din tayo. Itong mga bata na ito, after 10 years of training, siguradong may panlaban na tayo sa Olympics 2032,” sambit ni Elvina.