Bumababa ang tubig sa Angat Dam, at kung magtutuluy-tuloy ito, posibleng gaya ng La Mesa Dam ay umabot na rin sa critical level ang tubig sa isa pang nagsu-supply ng tubig sa Metro Manila at sa maraming irigasyon sa Luzon.

ANGAT

“If the water level of Angat Dam continued  to drop, it might reach  to  its critical level, kasi mabilis na bumaba ang level ng tubig sa dam dahil heavily silted na, at madami nang nawala na mga century old trees at mayroong mga nabulok na troso sa ilalim ng reservoir,” sabi ni Bulacan Gov. Wilhelmino M. Sy-Alvarado.

Kahapon, bandang 8:00 ng umaga, ay nasukat sa 199.06 metro ang tubig sa Angat, mula sa 199.92 metro nitong Miyerkules. Ang critical level ng Angat ay 180 metro.

Eleksyon

VP Sara, nag-eendorso raw para sa impeachment trial—solons

Minsan pang iginiit ni Alvarado na nangangailangan ng malawakang dredging ang reservoir ng 51-anyos na dam.

Tinukoy ang naunang report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sinabi ni Alvarado na kabilang ang Bulacan sa 21 lalawigan sa Luzon na makararanas ng dry spell sa huling bahagi ng buwang ito hanggang sa buong Abril.

“Dapat lahat ng Bulakenyo hindi lamang ang mga magsasaka ang maging handa dito. Dalawang buwan ang tagtuyot, kaya kailangan matuto tayong magtipid sa paggamit ng tubig, dahil ayon sa PAGASA kasama tayo sa listahang makakaranas tulad ng Bataan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Aurora,” sabi ni Alvarado.

-Freddie C. Velez