Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pamahalaan sa malawakang water supply interruption sa Metro Manila, dahil sa pangambang artipisyal ito.
Sinabi ngayong Huwebes ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, maaaring may mali sa pamamahagi ng tubig sakaling totoo ang ulat na ang Angat Dam ay may sapat na supply.
Ang Angat Dam ang pangunahing water supply source para sa Metro Manila.
“We are precisely investigating to know exactly what is happening or what’s the cause of the lack of water supply,” ani Panelo.
“Kung totoo na ang Angat Dam is punong-puno at lahat naman nanggagaling doon, oh ‘di hindi nga totoo. So something is wrong with the efficiency in distributing as well as the quotas or the shares…Artificial lang iyon, kung ganoon,” dagdag pa niya.
-Genalyn D. Kabiling