Anim na beses pang nagbuga ng abo ang Mayon Volcano sa  nakalipas na 24 oras.

MAYON 2 download (9)

Sa latest bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang magkakasunod na phreatic eruptions ay naitala dakong 9:06 ng umaga, 9:39 ng gabi, 9:46 ng gabi, 9:55 ng gabi, 10:00 ng gabi at 10:59 ng gabi ng Miyerkules.

Ang mga ibinugang abo ay may taas na 200 metro, 500 metro, 200 metro, 500 metro, 700 metro at 300 metro mula sa tuktok ng bulkan, ayon sa pagkakasunod, bago naipadpad pa-kanluran.

National

Atty. Kaufman, nagsalita sa umano'y 'request' hinggil sa ID requirements ng EJK victims

Sa nakaraang 24 oras na pagsubaybay sa pag-aalburoto ng bulkan, sinabi ng Phivolcs na anim lamang ang naitalang pagyanig nito, at tatlong rockfall events.

Nananatili pa rin sa Alert Level 2 ang sitwasyon ng bulkan na nangangahulugang walang naramdamang “moderate level of unrest” nito.

Isinailalim sa Alert Level 2 ang bulkan mula pa noong Marso 2018.

Inabisuhan pa rin ang publiko, kabilang na ang mga turista na bawal pa ring pumasok sa 6-kilometer permanent danger zone (PDZ) at sa 7-kilometer extended DZ mula Anoling, Camalig hanggang sa Sta. Misericordia, Sto Domingo bunsod na rin ng nakaambang panganib ng pagragasa ng bato, pagdausdos ng lupa, pagbuga ng abo at biglaang phreatic eruptions.

-Ellalyn De Vera-Ruiz