Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig)

12:00 n.h. -- Cignal-Ateneo vs AMA Online Education

2:00 n.h. -- Wangs Basketball vs Marinerong Pilipino

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

4:00 n.h. -- Chadao-FEU vs The Masterpiece Clothing-Trinity

DUMIKIT at makaagapay sa mga kasalukuyang lider ng kani-kanilang grupong kinabibilangan ang kapwa tatangkain ng Cignal-Ateneo at ng Marinerong Pilipino sa magkahiwalay na laro ngayong hapon sa 2019 PBA D League sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Taglay ang kartadang 2-1, kasalo ng Chelu Bar and Grill, pumapangatlo ang Cignal-Ateneo sa mga namumuno at wala pang talong University of Santo Tomas(3-0) at St. Clare College-Virtual Reality (2-0) sa Aspirants Group.

Nasa ikalawang puwesto naman ng Foundation Group ang Skippers katabla ng Metropac-San Beda hawak ang markang 2-1, panalo-talo kasunod ng mga wala pa ring talong Valencia City-San Sebastian at Centro Escolar University (3-0).

Mauunang sumalang ang Cignal Ateneo ngayong 12:00 ng tanghali sa unang laro ng nakatakdang triple bill kontra AMA Online Education kasunod ang Marinero na makakasagupa naman ang Wangs Basketball ganap na 2:00 ng hapon.

Magsisikap na makabalik sa winning track ang Cignal Ateneo mula sa natamong kabiguan sa nakaraan nilang laro kontra UST, 92-112 habang magkukumahog namang makaahon sa kinasadlakang dalang dikit na kabiguan ang Titans upang makakalas mula sa 3-way tie nila sa markang 1-2 kasalo ng Batangas-EAC at Go-for-Gold-St.Benilde.

Unang back-to-back win naman ang hangad ng Skippers makaraang makabalik sa win column sa ikatlo nilang laban kontra Chadao-FEU noong Marso 5 sa iskor na 87-63.

Para sa katunggaling Wangs Basketball(1-1), sisikapin din nitong bumawi mula sa natamong 70-94 na pagkatalo sa Movers noong Pebrero 28.

Samantala sa huling laro, magtutuos naman ang Chadao-FEU(1-2) at winless pa ring The Masterpiece Clothing-Trinity University(2-0) ganap na 4:00 ng hapon.

-Marivic Awitan

Iskor:

CHE’LU (89) -- Manganti 20, Collado 19, Dumapig 13, Bautista 10, Suerte 7, P. Manalang 6, Gabo 5, Bringas 4, Ng 3, Viernes 2, R. Manalang 0, Chua 0.

BATANGAS-EAC (63) -- Carlos 13, Derige 11, Amogues 7, Tampoc 6, E. Mendoza 5, Taywan 5, Martin 5, Cadua 5, Dela Pena 2, Boffa 2, Maguliano 1, J. Mendoza 1, Oppong 0, Corilla 0, Estacio 0.

Quarterscores: 23-17, 41-27, 71-42, 89-63.