MAGIGING mabituin ang birthday concert ni Kuh Ledesma, titled Mar3eh 16 The Promise to be held sa MOA Arena this Saturday, March 16. Mistulang pinagsama-sama ang mga who’s who sa recording field dahil sa hindi mabilang na guests ni Kuh, kabilang sina Daniel Padilla, Erik Santos, Sarah Geronimo, Christian Bautista, Toni Gonzaga, Eddie Mesa, Ray An Fuentes at ang daughter ni Kuh na si Isabela.

Kuh copy

It will be a spectacular musical extravaganza tampok ang mga awiting inspirational (gospel songs), pop at classic hits na pinasikat ni Kuh. Asahang ibabahagi ni Ku hang ilang personal messages mula sa kanya at kapwa friends na pawang Born Again Christians.

Hangad ni Kuh na bukod sa entertainment value ay makapagdulot ng ibayong pag-asa o hope ang birthday concert lalo na sa mga taong may pinagdadaanan.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ang proceeds ng concert ay pupunta sa Holy Bible Giver Foundation, Inc., a non-government organization na nagsasagawa ng healing conferences sa different cities sa Pilipinas.

-Remy Umerez