INILABAS na ng Walt Disney Pictures ang official trailer ng live-action remake ng Aladdin ngayong araw.

Aladdin

Ipinakita sa dalawang minutong trailer sina Aladdin (Mena Massoud) at Princess Jasmine (Naomi Scott) na lulan ng kanilang magic carpet patungo sa kaharian ng Agrabah. May mahabang exposure rin dito ang iconic Genie na ginagampanan ni Will Smith.

Tampok din sa sneak peek ang orihinal na theme song ng pelikula, ang A Whole New World.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kabilang din sa Aladdin sina Marwen Kenzari bilang ang kontrabidang si Jafar, Navid Negahban bilang Sultan, Nasim Pedrad bilang si Dalia, at si Billy Magnussen bilang si Prince Anders.

Ang pinakabagong film adaptation ay nabuo 27 taon makalipas ipalabas ang orihinal na animated version nito noong 1992.

Mula sa direksyon ni Guy Ritchie, ipalalabas ang Aladdin sa mga sinehan sa May 2019