DAHIL birthday ni Julia Baretto ay nag-post ang boyfriend nitong si Joshua Garcia sa social media na kinakiligan ng publiko, lalo na ng fans nila dalawa. Ipinost kasi ni Joshua ang picture nila ni Julia na kuha sa 22nd birthday ng aktres na ginanap sa bahay ng huli.

Joshua at Julia

“I am madly in love with you, darling,” ang caption ni Joshua na sinagot ni Julia ng “Thank you for loving me the way you do.”

Sobra ang kilig ng shippers ng magsyota sa nabasa nilang palitan ng sweet messages ng dalawa. Pinayuhan din ang dalawa to stay happy and always in love. May nag-comment pa ng “keep loving each other” at “I pray that you two will end up in each other’s hands in the future. Just pray.”

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Malaking bagay sa relasyon ng dalawa na pabor ang mom ni Julia na si Marjorie Barretto kay Joshua at pabor din ang pamilya ni Joshua kay Julia. Kaya walang nagli-leak na mga tsika against each other from both families.

Wala pala sa birthday dinner ni Julia ang tiyahin niyang sina Gretchen at Claudine Barretto at sa halip, nakita silang magkasama na nag-bonding sa isang mall, at nagyayakapan at nagki-kiss sa harap ng maraming tao.

May nagtanong na follower kung bakit wala sila sa birthday dinner ni Julia pero walang sumagot sa kanilang dalawa. May nag-comment na user na mas si Marjorie raw ang dapat tanungin kung inimbita ba niya ang mga kapatid.

-NITZ MIRALLES