Patay ang isang negosyante na umano’y big-time supplier ng droga makaraang mauwi sa engkuwentro ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Regional Drug Enforcement Unit ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isang condominium building sa Sta. Cruz, Maynila, kaninang madaling araw.

PARTY DRUGS SUPPLIER Arestado ang live-in partner ng umano’y big-time supplier ng ecstacy sa Metro Manila na si Steve John Pasion, sa buy-bust operation ng PDEA at RDEU-NCRPO sa isang condominium sa Sta. Cruz, Maynila, kaninang madaling-araw. Dead on arrival si Pasion matapos na makaengkuwentro ang mga awtoridad. (ISABEL MAGSINO)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kinilala ang suspek na si Steve John Pasion, na nakuhanan ng mahigit P300,000 halaga ng umano'y shabu at ecstasy.

Arestado naman ang ka-live-in partner ni Pasion at iniimbestigahan.

Sa imbestigasyon, nagsagawa ang PDEA ng buy-bust operation laban kay Pasion sa isang condominium tower, at bumunot umano ng baril ang suspek nang makahalata na pulis ang kanyang katransaksiyon.

Napatay ang suspek habang tumatakas sakay sa SUV.

PDEA-NCR Director Joel Plaza, si Pasion ang pinakabigating supplier ng party drugs sa Metro Manila na target ang mga kabataan at modelo.

-FER TABOY