MAGSASAMA ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo at ang Kapuso actor na si Alden Richards sa isang pelikula.

Kathryn at Alden

Ipinost ng Star Cinema ngayong araw ang litrato nina Kathryn at Alden kasama ang direktor na si Cathy Garcia Molina at ang Star Cinema managing director na si Olivia Lamasan.

“So stoked!!!! Direk Cathy Garcia-Molina’s upcoming film will star Kathryn Bernardo and Alden Richards!,” caption ng larawan.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Wala pang ibang detalyeng ibinigay tungkol sa proyekto.

Tanyag si Kathryn para sa kanyang leading roles sa mga pelikulang She’s Dating the Gangster, Can’t Help Falling in Love at, The How’s of Us, habang gumanap naman si Alden sa mga pelikulang My Bebe Love #KiligPaMore at Imagine You & Me.

Sina Kathryn at Alden ay kapwa bahagi ng dalawang popular na loveteam, ang Kathniel (Kathryn at Daniel Padilla), at Aldub (Alden at Maine Mendoza).