FINALLY, inamin na ni James Reid na nagsasama na sila ng girlfriend niyang si Nadine Lustre sa iisang bubong. Tinototoo na nila ang mga karakter nilang Gio at Joanne sa pelikula nilang Never Not Love You, na idinirek ni Antoinette Jadaone.

Nadine at James

Si James ang guest sa Gandang Gabi Vice nitong Linggo para na rin sa promo ng Idol Philippines, na isa siya sa hurado. Natanong siya ni Vice Ganda tungkol sa sa bathtub scene nila ni Nadine noong nagdiwang sila ng kanilang ikatlong anibersaryo nitong Pebrero 11.

Aliw na aliw si Vice dahil iminuwestra pa ni James ang posisyon nila ni Nadine sa bathtub na pangdalawang tao lang ang kasya. At tinanong din ng TV host kung nasaan ang mga legs nila at kung naka two-piece ang dalaga.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pero nagulat si Vice nang sabihin ni James na pareho silang walang suot.

“I think that’s what the massage is walang suot,” direktang sabi ng aktor, sabay tingin sa TV camera: “Sorry, love.”

Sinalo ni Vice ang aktor, sinabing nang mag-guest si Nadine sa GGV ay sinabi ng aktres na kay James na lang itanong ang tungkol doon dahil nga nahihiya siya at babae siya.

Kitang-kita kay James na masaya at kuntento siya kay Nadine.

“It’s actually my longest relationship. It doesn’t feel like three years. It’s been so fast,” kuwento ni James.

“Parang bago pa lang?” tanong ni Vice.

“Yes,” mabilis na sagot ni James.

At kinikilig pa rin daw ang aktor sa buong tatlong taon nila ni Nadine.

Hanggang sa nadulas si James nang sabihin ni Vice na may mga relasyon daw na nababawasan na ang kilig kapag matagal na, at medyo hindi na nagkikita dahil parehong abala sa trabaho.

Kaswal na nasambit ni James: “We live together.”

Sinabi pa ni James na kapag super busy si Nadine ay nami-miss niya ito kapag umuwi na sa bahay.

Ang nakakatawang parte ay nang nagbalik-tanaw sina Vice at James tungkol sa panahong nagte-taping sila ng On The Wings of Love at natanong ni Vice si Nadine kung may feelings ito sa binata at sinabi ng aktres na hanggang kaibigan lang ang tingin nito kay James.

Hindi naman naniwala si James.

“I could tell. Hindi ako naniwala. ‘Yung reactions niya every time I asked her. I just can tell her reactions; I don’t believe it. Ako naman at that time wala talaga (feelings).”

Natawa si Vice dahil nga baka raw sa susunod na guesting ni Nadine ay ipagtatanggol naman nito ang sarili, at ito naman ang magsasabing wala rin itong feelings pa kay James.

Nabanggit din ng GGV host na nitong Linggo ang unang beses na nag-guest si James sa show niya nang nag-iisa.

“Yes, actually isa sa mga fears ko na mag-guest mag-isa and now I’m doing it and I’m proud of myself,” pahayag ni James.

-REGGEE BONOAN