Nag-post pa sa Facebook ang isang 18-anyos na lalaking senior high school student bago nagpatiwakal sa Malabon City, nitong Linggo ng gabi.

SUICIDE

Dead on arrival sa Ospital ng Tondo ang teenager na taga-Barangay Flores, Malabon.

Kuwento ng ina ng biktima, pinuntahan niya ang anak sa kuwarto nito upang ayaing kumain, dakong 11:30 ng gabi dahil hindi ito kumain ng hapunan.

Eleksyon

ACT-CIS, Duterte Youth, PPP, at 4PS, nanguna sa 2025 Party-List Survey

Nabigla ang ginang nang tumambad sa kanya ang anak na nakabigti sa kuwarto nito.

Ayon sa pamilya ng biktima, malulungkutin ito sa nakalipas na mga araw.

Nauna rito, nag-post pa ang binata sa Facebook: “Kung mamamatay ako ngayon, ano ang message mo sa akin?”

Hindi kinumpirma ng pamilya kung babae ang dahilan ng sinasabing depresyon ng biktima.

Hindi na interesado ang pamilya ng binata na ipa-autopsy pa ang labi nito, at sinabing walang foul play sa insidente.

-Orly L. Barcala