DAVAO CITY – Posible umanong malagay sa panganib ang buhay ng mga opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG)-Region 11 kapag ibinunyag nila ang mga pangalan ng mga pulitikong nasa narco-list.

Paliwanag ni DILG-Davao Region director Alex Roldan, ipauubaya na lamang nila kina Pangulong Rodrigo Duterte at DILG Secretary Eduardo Año ang pagsisiwalat sa nilalaman ng naturang listahan.

Kapag isiwalat aniya nito ang nilalaman ng listahan, posibleng mapagkamalan pa sila ng mga nasa narco-list na taga-suporta ang mga ito ng mga kalaban nila sa pulitika.

“Malouy pud ka namo kay na mi dire sa local (Have mercy on us because we are the ones on the ground),” aniya.

National

'Gagawin nating alaala, kasaysayan na lang ang mahal na bigas!'—Romualdez

Sinabi rin nito, nananatili pa ring inosente ang mga pulitikong nasa listahan hangga’t hindi pa sila napapatunayang guilty.

Tumanggi naman itong banggiting kung kasama sa listahan ang mga pulitiko sa kanyang nasasakupan.

“Sa drugs (In drugs), ‘violence begets violence’ and we do not want that to happen. Maayo man to sila didto nga naa sa taas they can do it (It is good for them because they are in the higher office and they can do it),” ayon pa kay Roldan kung saan sinabing nararapat lamang ilantad ng mga nasa matataas na posisyon ang pagkakakilanlan ng mga nabanggit na pulitiko kung sapat namang ebidensya.

-Antonio L. Colina IV