MATAGUMPAY na naisagawa ang isang anti-illegal gambling operation ng Games and Amusements Board (GAB) at National Bureau of Investigations (NBI) sa Sta. Ana, Lungsod ng Maynila.

MITRA: Kakalusin namin ang mga ilegal bookies at e-sabong.

MITRA: Kakalusin namin ang mga ilegal bookies at e-sabong.

 Nadakip sa naturang operasyon sina Tomasito Nazario, Nogaro Nazario at Lenrick Aquino na pawang mga empleyado ng illegal bookies. Maydalawa ring mananaya ang dinala sa presinto ngunit kaagad ding pinalaya.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Ayon sa mga operatiba, nakatanggap sila ng impormasyon na may isang establisyemento sa may Calderon Street, Barangay Sta. Ana, Manila na malapit din sa istasyon ng Sta. Ana Police Station 6, ang nag-ooperate din bilang bookies o ilegal na patayaan sa karera ng kabayo. Agad na umaksyon ang GAB at NBI at nagsagawa ng nakagawiang casing and surveillance operations kung saan nakumpirmang totoo ang impormasyong natanggap. Agarang ikinasa ang operasyon noong ika 7 ng Marso 2019, humigit-kumulang alas 8 ng gabi.

Ang operasyon ay bunsod ng direktiba sa GAB na paigtingin ang operasyon kontra sa mga iligal na patayaan lalo na ang mga illegal bookies o di otorisadong patayaan sa karera ng kabayo. Ang GAB ay nagbibigay ng permit sa mga otorisadong patayaan o mga Off-Track Betting Stations (OTBS) na nakakadagdag sa kita ng GAB na inilalagak naman sa pondong nasyunal. Ang mga bookies ay hindi otorisado, nakakapagpababa ng kita ng mg OTBS at walang kontribusyon sa kita ng pamahalaan.

Ang mga naarestong personalidad ay nasa pangangalaga ng NBI na siyang nag aasikaso sa pagsampa ng kaukulang kaso sa Korte. Ang mga nakumpiskang kagamitan at pera mula sa mga mananaya ay agad na inimbentaryo sa harap ng mga saksi at nasa pangangalaga din ng NBI.

Ang tuloy-tuloy na operasyon kontra illegal bookies at iba pang uri ng sugal na may kinalaman sa mga mga propesyunal na laro at libangan ay isa sa mga tinututukan ng GAB sa pangunguna ni Chairman Abraham Kahlil B. Mitra.