Dear Manay Gina,

‘Pag ang boyfriend ba, may-asawa na at sinabing faithful siya sa akin, dapat ba akong maniwala?

Leyna

Dear Leyna,

Probably not. Ang palikerong lalaki ay kayang ipangako ang lahat, makuha lamang ang gusto. Para sa isang playboy, mas exciting ang paghanap ng bagong target. Makalipas ang ilang panahon, kapag ang girlfriend na ang nagsilbing asawa, maghahanap na naman siya ng bagong girlfriend. Borrowed husbands are nothing but trouble. Wake up and smell the coffee.

Nagmamahal,

Manay Gina

“Let not a man guard his dignity, but let his dignity guard him.”---- Ralph Waldo Emerson

Ipadala ang tanong sa [email protected]

-Gina de Venecia