Mahigit 2,000 trabaho ang maaaring aplayan ngayong taon sa Croatia sa Europe, upang punan ang labor gaps sa hospitality sector, sinabi nitong Biyernes ng Philippine Association of Service Exporters.

JOBS_ONLINE

Ayon sa PASEI, kailangan nila ng mga kuwalipikadong aplikante upang mapunan ang mga bakante para sa 2,000 dayuhang manggagawa sa ilalim ng hospitality sector gaya ng waiter, room attendant, at assistant cooks.

Ang mga matatanggap ay may buwanang suweldo na €800 (gross) o P50,000. Ang suweldo ay nakadepende rin sa karanasan ng aplikante.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Inihayag din ng PASEI na kailangan ng Croatia ng high-skilled construction workers gaya ng mason, welder, at plumber.

Una nang sinabi ng Department of Labor and Employment (DoLE) na maaari nilang itigil ang pagpapadala ng construction workers sa ibang bansa ng hanggang 90 porsiyento, upang matugunan ang kakulangan ng construction workers sa bansa.

Ipinahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na umapela ang construction industry sa DoLE huwag na munang magpadala ng construction workers sa ibang bansa dahil sa manpower shortage.

Sinabi ni PASEI president Elsa Villa na susundin nila ang utos ng DoLE.

"Kung ano ang order nila we have to follow but 'yun nga itong oportunidad na ito sayang kung isasara mo 'yan because there is really a great need and our people, you cannot stop them from going," pahayag ni Villa.

Sinabi rin ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na pansamantala rin nilang pagsasamahin ang "mission-critical skills" o trabahong kinakailangan ng day-to-day operations ng mga construction workers sa Pilipinas.

"Mag-i-issue ng appropriate resolution ang POEA through the Governing Board so that magkakaroon tayo ng clear policy guideline," sambit ni POEA Administrator Bernard Olalia.

"Ang instruction sa atin immediate eh, immediate so as we speak we are already working on it," dagdag niya.

Erma R. Edera