NAKAKATUWA ang simpleng birthday greetings ni Bea Alonzo sa boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Bea at Gerald copy

“Pssss!!! @anderongeraldjr” lang kasi ang ipinost niya sa kanyang Instagram Story, pero bumawi siya sa ipinost niyang video nilang dalawa, kung saan nasa bakasyon sila. At sa dulo ng video, hinalikan ni Bea sa pisngi si Gerald.

Sigurado namang mas sweet ang birthday greetings ni Bea kay Gerald in real life, ‘yung silang dalawa lang at hindi pang-public consumption.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Anyway, kung bibisita kayo sa social media account ni Bea, makikitang masipag siyang nagwo-workout sa gym ni Gerald, na tinawag na The Th3rd Floor. Nasa Roces Avenue ang nasabing gym, na paborito ngayon ng ABS-CBN stars.

Samantala, mapapanood si Bea sa horror movie na Eerie, na co-productions ng Star Cinema at Cre8 Productions ng Singapore. Showing na sa March 27 ang first horror film ni Direk Mikhail Red, at tiyak na pasisigawin nito ang mga manonood dahil sa matinding takot.

First horror film din ito ni Bea, at tinanggap niya ang project dahil bukod sa directed ito ni Direk Mikhail, maganda ang story, gusto niyang sumubok gumawa ng horror, at higit sa lahat, gustong-gusto niyang makatrabaho si Ms. Charo Santos. Sino nga naman ang tatangging makatrabaho si Ms. Charo?

Ang resulta ng collaboration nina Ms. Charo, Bea, at Direk Mikhail ay ang Eerie, na tungkol sa mga multo sa eskuwelahan. Marami ang makaka-relate rito, dahil totoo namang minumulto ang mga eskuwelahan.

-Nitz Miralles