Muling tatanggap ng mahigit 200 manggagawang Pinoy ang Kuwait Airways.

JOBS

Una nang nakapag-recruit ang Kuwait Airways ng mahigit 400 manggagawang Pinoy noong Nobyembre 2018, at ngayo’y muling magkakaloob ng trabaho para sa mga Pilipino.

Dahil dito, magtutungo sa Pilipinas ang recruitment team ng airline upang mag-interview ng mga aplikante para sa cargo staff, sa Marso 15-22.

Eleksyon

Pangilinan sa mga ‘tumawa’ sa paghigop niya ng sabaw: ‘Hindi ko hinigop ang pera ng bayan!’

Isasagawa naman ang interview sa Abril 15, para sa mga mag-a-apply na aircraft engineers at technicians.

Bukas ang mga nasabing posisyon sa mga babae at lalaki, at nasa P37,000-P59,000 ang magiging sahod ng mga makakapagtrabaho sa cargo department.

Sasahod naman ng P67,000-P257,000 ang mga matatanggap na aircraft engineer at mga aircraft mechanic.

Kasama na sa sahod ang food allowance at tirahan, habang may libreng transportasyon at air ticket pauwi sa Pilipinas ang empleyado, matapos ang dalawang-taong kontrata.

-Mina Navarro