IPINOSTE ng University of Santo Tomas ang una nilang straight-set win sa men’s division ng UAAP Season 81 Volleyball Tournament matapos gapiin ang De La Salle University, 25-22, 25-18, 25-17, kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.
Galing sa 5-set loss sa kamay ng league-leading Far Eastern University, sinandigan ng Tigers si open hitter Joshua Umandal upang gumiya sa naturang panalo sa ipinoste nitong 18 puntos na kinabibilangan ng 13 attacks, 2 blocks at 3 aces.
Patuloy pa ring pinuproblema ni Tiger Spikers coach Odjie Mamon ang kakayahan ng koponan na tumapos ng set matapos karamihan sa itinala nilang 27 errors ay naganap sa mga krusyal na bahagi ng bawat frames.
Namuno naman ang rookie na si Billie Anima para sa Green Spikers sa iniskor nitong 9 na puntos.
Sa isa pang laban, tumatag ang Far Eastern University Tamaraws sa pangingibabaw makaraang wakisin ang University of the East Red Warriors, 25-10, 25-21, 25-18.
Nagposte si graduating open hitter Rj Paler ng 8 attacks, 2 blocks, at 2 aces kasunod si 4th-year middle blocker JP Bugaoan na may 11 puntos para pamunuan ang ikalimang sunod na panalo ng Tamaraws.
Nanguna naman sa Red Warriors,na sumadsad sa ika-4 nilang sunod na panalo kontra isang talo si Al-Jhon Abalon na may 8 puntos.
-Marivic Awitan