Salano at Ubas, sumungkit ng gintong medalya sa National Open

ILAGAN, Isabela – Pinatibay ni Richard Salaño ang kampanya na makasama sa National Team na sasabak sa 30th SEA Games nang pagbidahan ang men’s 10,000 meters at tanghaling unangh Pinoy gold medalist sa 2019 Ayala Philippine Athletics Championships kahapon sa City of Ilagan Sports Complex dito.

NAPAHIGA sa buhangin si Angel Aquino sa kanyang unang pagtatangka sa women’s triple jump event ng Philippine National Open Athletic Championships. (RIO DELUVIO)

NAPAHIGA sa buhangin si Angel Aquino sa kanyang unang pagtatangka sa women’s triple jump event ng Philippine National Open Athletic
Championships. (RIO DELUVIO)

Nai tala ang 27-anyos Army Corporal, naging miyembrio ng training pool may isang taon na ang nakalilipas, ang personal-best 31 minuto at 42.31 segundo para gapiin ang kababayang sina Air Force bets Rafael Poliquit (31:42.96) at Anthony Nerza (31:43.89).

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

“Pangarap ko po talagang mag- SEA Games kaya kailangan kong pagbutihin yung oras ko,”

Pahayag ni Salaño, mat tangan na 32:30.67 sa nakalipas na edisyon.

Magkakasabay s ina Salaño, Poliquit at Nerza mula sa unang bugso hanggang sa huling anim na kolometro bago umaksyon ng todo ang una para masiguro ang panalo.

Sumunod sa kanya si Janry Ubas, na sumungkit ng ginto sa men’s long jump gold sa layong 7.55m laban kina defending champion Julian Fuentes (7.24m) at National University’s Karl Aquino (7.23m).

Naitala naman ng nagbabalik na si Fil-American Donovant Arriola ang 7.07m para sa ikaanim na puwesto.

Ito ang unang torneo ni Ubas matapos maaksidente sa motorsiklo nitong September.

“Kailangan ko lang ibalik yung dating Janry Ubas kasi after nung accident, sobrang down ako,” sambit ni Ubas.

Pakitang gilas din sa kani-kanilang event sina Christine Hallasgo sa women’s 10,000m (38:39.27), NU’s Leonard Grospe sa boys high jump (1.92m), Daniella Daynata sa women’s discus throw (40.19m), Angel Carino sa women’s triple jump (11.60m), hometown bet Hokket Delos Santos sa boys pole vault (4.30m) at University of the Philippines’ Ed Deliña sa boys discus throw (44.75m).

Umani rin ng gintong medalya sa age group class sina masters men 10,000m Andrico Mahilum (30- 34), Jujet De Asis (35-39), Eduardo Buenavista (40-44), Romeo Marquez (45-49), Sixto Ducay (50-54), Rodolfo Tacadino (55-59), Sofronio Igay (60 & above) at Dennis Scott.

-KRISTEL SATUMBAGA