Nasawi ang isang barangay kagawad at pinsan nito matapos silang makuryente habang naglilinis ng bubungan ng kapitbahay  sa Purok-4, Barangay Buhang, Magallanes, Agusan Del Norte, kahapon.

KURYENTE download (5)

Ang dalawa ay kinilala ni Lt. Carlos Villadores, Deputy Chief ng Magallanes Municipal Police Station (MMPS), na sina Jeuward Sara, 35, kagawad ng Bgy. Sto. Niño ng nasabing bayan, at Raymond Losdose, 28, binata.

Sa paunang report, binanggit ni Villadores na binayaran lamang ang dalawa upang maglinis sana sa bahay ni Alvina Bolongaita, 70.

Pagbebenta ng ₱20/kilo ng bigas para sa mga senior, PWD, solo parents, sisimulan sa Mayo 2

Gayunman, nang umakyat na sa bubungan ang mga ito para linisin at pinturahan ay hindi nila namalayan ang live wire na linya ng Agusan del Norte Electric Cooperative (ANECO) na halos nakadikit na sa bubong.

Sa teorya ng imbestigador, posibleng aksidenteng nasagi ng dalawa ang kawad ng kuryente na nagresulta sa kanilang pagkakakuryente.

Tinangka pang isugod sa ospital ang dalawa ngunit binawian na rin sila ng buhay dahil sa lakas ng boltaheng gumapang sa kanilang katawan.

-Fer Taboy