KAMAKAILAN lang ay nagkasama sa isang resort sa Antipolo City ang dalawang nagkaroon ng short-lived romance noon na sina Malu Barry at Tsong Joey Marquez. Pero that time ay si Alma Moreno ang kinakasama ni Joey, in pernes. In pernes pa raw, o! Insert smiley, u!

Joey copy

Tinanong ni Yours Truly ang Malu Barry kung that night, nang muli silang magkita ni Tsong Joey, nagkaroon ba ng background music sa isip niya that goes… “I saw you last night, I’ve got that same old feeling…”

Oo raw, sagot ni Malu, pero saglit lang coz naging masaya naman daw ang kanilang muling pagkikita, na pupuwedeng lagyan ng background music na Sana Maulit Muli. ‘Yun na!

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Nitong March 3, nag-post sa Facebook si Malu: “Noon kinikilig ako ‘pag nakikita ko siya… ngayon, natatawa na lang ako ‘pag naaalala kong ‘nagkagusto’ ako sa kanya.”Oh, well Papa Ahwel, ‘yan si BFF Malu ko, Malu-MANAY pero Malu-PET when it comes to acting and singing, and yes sa loving-loving na rin siguro, that is.

Niwey, bukod sa singing ay balik-artista ngayon si Malu sa pelikula ni Direk Ronald Carballo na Jesusa, na pinagbibidahan ni Sylvia Sanchez.

Well, wish lang ni Yours Truly na magkaroon din ng pelikula sooner than soon na pagbibidahan nina Philip Salvador, Kris Aquino, Joey Marquez, Alma Moreno, Rosanna Roces, and Malu Barry with the special participation of Bong Go para boom patok muli ang ating movie industry if ever, that is.

Well, sabi nga, nothing is impossible sa kahit anong panahon, sa kahit anong henerasyon. If meant to be, meant to be, ganernnn!

-MERCY LEJARDE