HANDA na ang lahat sa pagtulak ng Taguig Pateros Chess Club tournament sa Abril 14, 2019 (Linggo) na gaganapin sa Bagumbayan Sports Complex sa Taguig City.

“This is part of our grassroots development program.” sabi ni Taguig Pateros Chess Club founding president Mr. Rene Salinas.

Tampok sa one-day event ang two division tournament, ang Non-Master (1950 and below rating) at Kiddies 14-year-old and below (1950 and below limit rating).

Ayon kay National Arbiter Miel Bautista ng Chess Arbiter Union of the Philippines (CAUP) na may cash prizes ang naghihintay sa magkakampeon sa Non-Master (1950 and below limit rating) division na P4,000 at trophy.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Habang may cash prizes din na tig P2,000, P1,000, P800 at P600 ang maiuuwi ng second hanggang fifth placers, respectively.

Habang ang sixth hanggang 8th placers ay tatangap ng tig P500.

Ang magkakampeon naman sa Kiddies 14-years-old and below (1950 limit rating) ay mag-uuwi naman ng P2,000 at trophy, babang ang second hanggang fifth placers ay makakatangap ng tig P1,500, P1,000, P700 at P500 each plus medals.

“Ten (10) raffle ticket will be drawn before the start of the game. Register between 8:30 am to 10am,” ayon sa organizing committee.