United Arab Emirates (AP) — Nakamit ni Swiss tennis star Roger Federer ang ika-100 career title.

Nakumpleto ng 20-time Grand Slam champion ang kasaysayan – ikalawang player na nakapagtala ng 100 title sa tour-level tournament – nang gapiin si Stefanos Tsitsipas 6-4, 6-4 sa final ng Dubai Championships nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Tanging si Jimmy Connors ang nakagawa nito na tinapos ang career na may 109 titles.

“Welcome to the ‘Triple Digit’ tournament victory club,” pahayag ni Connors sa kanyang mensahe sa Twitter. “I’ve been a bit lonely -- glad to have the company!!!”

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Bunsod ng panalo sa karibal na mas bata sa kanyang ng 10 taon, nahila ni Federer ang career-record na isang titulo sa bawat season mula noong 2001 sa Milan.

“It’s been a long, wonderful journey . I have loved every minute,” pahayag ni Federer. “It’s been tough but the sacrifice has been very, very worthwhile and we’ll see how much more I’ve got left in the tank.

“Reaching 100 is an absolute dream come true for me.”

“I’m so happy I’m still playing,” Federer said. “It all started as a junior world champion. It’s been great. I wouldn’t do it any differently.”