ITINANGGI ni Yen Santos na naging boyfriend, o naka-date niya nang solo si Ahron Villena nang magkatrabaho sila sa teleseryeng Mutya (2011), na pinagbidahan ng noon ay limang taong gulang pa lang na si Mutya Orquia.

Kid, Yen, at Lassy

Nakausap namin si Yen sa storycon ng pelikulang Two Love You kasama sina Lassy, MC, Hashtag Kid Yambao, Dyosa Pockoh, at Arlene Muhlach, na ididirek ni Benedict Mique, at produced ng Ogie D Productions, Inc., na line produce ng Lone Wolf Productions, Inc.

“Hindi naging kami. Nagkasama kami sa Mutya pero hindi naging kami, nag-abot sa relationship,” sabi ni Yen.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sumingit si Ogie Diaz: “Naudlot kayo no’n, eh.”

Naging close ba sina Yen at Ahron?“Close naman kami, lumalabas kami kasama ang mga kaibigan namin. Never na lumabas kaming dalawa lang,” sabi ni Yen.

Binanggit namin na tawa nang tawa si Ahron kapag nababanggit ang pangalan ni Yen, at nagba-blush pa.

“Bakit ano po sabi niya (Ahron), “nanlalaki ang mga matang tanong ni Yen.

“Ganu’n naman ‘yun, maski dati pa. Kapag inaasar siya sa akin at may inaasar ako sa kanya,” natawang sabi pa.

As of now ay walang boyfriend si Yen. Aniya, gusto niyang ang “The One” na ang susunod niyang makakarelasyon.

“Ayoko na kasi ng paiba-iba. Gusto ko ‘yung siya na talaga ‘yung makakasama ko sa buhay,” pahayag ng dalaga.

Hindi rin naman itinanggi ni Yen na nami-miss niyang may naglalambing sa kanya. Na may nangungumusta sa kanya kapag nasa work, o kapag pagod siya, dahil hindi niya kasama ang pamilya sa Manila.

“Nakaka-miss ‘yung may nagu-good morning at nagsasabi ng I love you at sasagutin ko rin ng I love you, too,” pag-amin ng aktres.

Aminadong vulnerable si Yen, na kapag pinakitaan siya ng kabaitan at lambing ay madali siyang ma-fall, bagay na iniingatan niya.

Kaya tinanong namin kung hindi ba siya na-fall kay Sam Milby, na leading man niya sa seryeng Halik. Sobrang bait at malambing kasi si Sam.

Tumawa nang malakas si Yen. Ha, ha, ha, ano ba?!”

Na-curious tuloy kami kung bakit ganu’n na lang ang reaskyon ni Yen kay Sam.

Anyway, ang Two Love You ay matagal nang dream project ni Ogie, na sa kanya ang istorya at pinagtulungan nila ni Direk Benedict na buuin ang script, kasama ang kaibigang writer.

Tungkol saan ang Two Love You?“Si Emma (Yen) po ay laging sawi sa pag-ibig. Isang marupok na babae na every time na may makaka-date siya napo-fall siya kaagad, kasi vulnerable siya. Kapag sinasabihan siya ng lalaki ng ‘I love you’, feeling niya love na talaga ‘yun hindi pala. So parati siyang nauuwi sa part ways at saka lumaki siya nang walang magulang kaya longing siya sa pagmamahal.

“Maganda ang kuwento, kasi after ng heavy drama na Halik, ito naman light lang. So malayo ang karakter, at happy ako kasi matapos kong umiiyak-iyak at pagtaksilan dito ni Ace (Sam), tatawa naman tayo.

“At hindi lang comedy, nandito na lahat, drama na may kurot sa puso, sabi ko nga, excited ako kasi mga bakla ang mga kasama ko, sobrang malapit sa puso ang mga bakla.

“Sa tent ko sa Halik, puro bakla mga kasama ko, (sa) standby area bakla. At first time naming makakatrabaho lahat, ako pala first time ko silang makatrabaho, sina Lassy, MC,” kuwento ng dalaga.

Anyway, kung walang pagbabago ay sa unang linggo ng Marso ang shooting ng Two Love You, at isasali ito sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino.

-REGGEE BONOAN